Baguio City – Nananawagan ang mga naninirahan sa loob ng Busol Watershed sa Konseho ng lungsod ng Baguio na ipagpaliban muna ang panukala ng pagbabakod ng nasabing Forest Reservation sa Baguio Side na nakapaloob sa Proclamation no. 15. Ayon sa nasabing hinahadlang ordinansia ay nais nitong kilalanin at pangalagaan ang communal forests, watersheds, parks, tree parks, spring lots, greenbelts, urba green zones at iba pang forest development projects sa loob ng lungsod ng Baguio.
Ang Busol Forest Reservation sa parte ng Baguio ay isa sa mga reservations na kinikilala ng nasabing ordinansia. Batay sa Section 3, ng ordinansia, lahat ng kinikilalang lugar ay dapat lang na mabakudan at malagyan ng karatula bilang isang protected areas. Ngunit ang mga naninirahan gayon din ang mga land claimants ng Busol Forest Reservation sa parte ng Baguio at ang mga miyembro ng Ambiong-Baguio, East Bayan, Brookspoint, Pacdal at mga kalapit lugar nito ay nagsumite ng position paper sa City Council na hinahadlangan ang pagbabakod ng buong forest reservation bilang isang protected area ng nasabing ordinansia.
Ayon sa nasabing position paper, ang probisyon ng panukalang ordinansia na nag uutos ng pagbabakod sa mga forest reservation ay walang limit o restriksyon, at iba pa pinaniniwalaan ng mga residente nakakabahala, nagbibigay takot at pasakit sa kanila. Sinabi ng grupo na ang pagbabakod at ang paglalagay ng karatula ay dapat lamang sa hindi pa okupado na lugar ng forest reservation. At sana kilalanin din sana ng lokal na gobierno ang mga naninirahan doon. Kung inyong maaalala ang Busol Forest Reservation na sakop ng lungsod ng Baguio ay apat na barangays tulad ng Pacdal, Ambiong-Baguio, East Bayan Park at Brookspoint.
Ayon sa Assasyon nito na tinatawag na ABEBBPAP Federation, may 758 na mga bahay ang nasa loob ng Busol Forest Reservation, Baguio side, at karamihan dito ay mga taga Pacdal at Ambiong. Aabot sa 4,500 sa mga maninirahan ay kabilang sa mga indigenous people o katutubo ng probinsiya ng Benguet. Ayon sa kanila, kinikilala nila ang Proclamation no. 15 at ang nasabing batas ay kimikilala rin ng karapatan ng mga naninirahan doon. Magkagayon man, Ang kataastaasang hukuman ay naglabas ng desisyon nito noong 2014, na ang proclamation no. 15 ay hindi sa tinatawag nitong definitive recognition ng ancestral land claims. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio city)