Baguio: Ang Number 1, Top Most Wanted Person ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-Cordillera o ng RACU-COR sa 2nd Quarter, nahuli na

0
24

La Trinidad, Benguet – Nahuli ng mga tauhan ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-Cordillera o ang RACU-COR ang isang babae, na may asawa, 39 na taong gulang at naninirahan sa lungsod ng Pasig dahil sa reklamo na Estafa.

Base sa ulat, ang nasabing opisina ng pulisya, ang babae ay nahuli sa isang mall dito sa lungsod ng Baguio noong Sabado, Hunyo a 10, ng taong ito sa pamamagitan ng utos ng Korte dito sa lungsod ng Baguio.

Sa nasabing utos, naiutos ang pagkahuli ng babae na hindi pinangalangan dahil sa niloko niya umano ang apat na mga biktima nito na pawang residente o mga naninirahan sa Pacdal, Lungsod ng Baguio.

Base pa rin sa ulat, ang suspek at ang mga biktima nitong dalawang babae at dalawang lalaki ay nagkilala sa social media. Hinikayat umano ng suspek ang mga biktima na mag-invest sa kanya dahil sa malaking interest o kumikita mula 20 hangang 40 porsiento ang pera nila.  Dahil dito ay nagpadala din ng pera ang mga biktima sa pamamagitang ng GCash at Bank Account nito noong Marso hangang Hulyo noong nakaraang taon o 2022.

Base sa ulat, umaabot ang lahat sa ₱877,067.00 ang naipadalang pera ng mga biktima sa suspek ngunit matapos maipadala ito ay hindi na makontak ang suspek sa messenger, FB at mobile number nito.

Sa kasalukuyan ang suspek na babae ay nasa pangangalaga ng RACU-COR at inaasahang agad na dadalhin sa korte upang mabigyan ng karampatang  disposisyon.

Kaugnay sa balitang ito, ang suspek ay nakatala bilang number 1, top most wanted person ng RACU-COR ng 2nd Quarter ng taong ito at na iutos ang pagkahuli nito noong pang Pebrero a 28, 2013. (Joel Cervantes, photo courtesy of BCPO)

Leave a Reply