Baguio: Ang kabuuan ng rehion ng Cordillera Administrative Region ay nananatiling mapayapa

0
5

(Baguio City-Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet) Ito ay ayon kay Police Regional Office Cordillera Regional Operations Division Chief Police Col. Jeremias Oyawon.

Sinabi ni Oyawon, ito ay dahil sa patuloy na pagsasagawa ng pinahusay na police operations at ang pagsasagawa ng sabay-sabay na anti-criminality law enforcement operations na nagresulta sa pagbaba ng insidente ng krimen sa rehion.

Ito ay aanyang iniulat sa isinagawang RDC Development Administration and Good Governance (DevAd) Committee 4th Quarter meeting noong Martes.

Anya ang insidente ng krimen sa rehion ay bumaba ng 10.82% sa third quarter kung ihahambing sa second quarter ng taong ito. Idinagdag ni Oyawon na agresibong aggressive advocacy campaign para maiwasan ang panggagahasa at iba pang kaso ng gender-based violence ay nagresulta sa pagbaba ng insidente ng panghahalay o panggagahasa.

Ayon sa kanya ang kaso ng panggagahasa sa ikatlong quarter ay bumaba ng 23.33%, o 46 ng mga kaso, mula 60 kaso noong nakaraang second quarter.

Ang mga may kapangyarihan ay nakapansin ng matagumpay na pagsugpo ng kaso ng illegal na druga sa rehion Cordillera. Ayon kay Atty. Joseph Frederick Calulut ng PDEA-CAR, Sila ay hindi napapagod sa muling pag-estratehiya na kanilang paraan at taktika sa paglaban sa salot na druga sa pagtataguyod ng aktibong pagsasama ng kommunidad.

Hiniling din ni Calulut sa DevAd committee na magsagawa ng mga programa sa mga lugar na kung saan ang mga tanim na Marijuana ay nananatili sa probinsiya ng Benguet sa pamamagitan ng paglalaan ng alternatibong pangkabuhayan.

At sa lahat na itong mga nakamit na magandang balita pasalamat naman ang tangin pahiwatig ni Police Brigider General David Peredo Jr. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

Photo Credit to PRO-COR

Leave a Reply