Baguio: Ang Ikatlong yugto ng HEALTHIER Benguet program naisagawa sa municipyo ng Kapangan, Benguet

0
9

Kapangan, Benguet – Halos 1,500 mga taga Kapangan, Benguet ang nakinabang mula ikatlong yugto ng HEALTHIER Benguet Caravan ng Provincial ng Benguet sa pamumuno ni Governor Dr. Melchor Daguines Diclas sa pakikipagtulungan sa lokal na gobierno ng Kapangan sa pangunguna ni Mayor Manny Fermin at ng mga ibang pang pribadong organization. 

Ang ikatlong yugto ng caravan ay ginanap sa Municipal Gym sa barangay Lomon kamakailan lamang, noong Biernes October 6, 2023.

Ang naturang gawain ay sa pagkukusa ni Gobernador Melchor Diclas bilang bahagi ng kanyang HEALTHIER Benguet agenda. Ang naturang gawain ay ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo sa kalusugan at ang mga serbisyo na ibinibigay ng gobierno sa mga mamamayan.

Ang mga serbisyong medikal na naibigay ay medical consultation, pagtutuli, serbisyong pang x-ray, prenatal services, dental services, mga basic medical check-up, at eye check-up. Libreng reading glasses mula sa mga pribadong grupo at maging ng gamot ay ipinamahagi rin. 

Ang iba pang serbisyong pangtulong kasama dito ang paralegal services, ang pagbabakuna kontra -rabies, tanggal bullate, ang pagbabahagi ng buto at ng pananim, ang pagpapalabas ng titulo ng mga lote, ang pagbabahagi ng pagkain para sa mga lumalaking bata at ang pagkolekta ng buwis sa mga ari arian.

Samantala, ang Provincial Government ay namahagi ng ilang cash at mga bagay sa mga benepisaryo ng tulong pangserbiyo ng naturang munisipyo.  Isang tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang ibinigay sa Taba-ao-Cuba Multipurpose Cooperative bilang livelihood loan assistance upang tulungan ang egg production business nito.

Humigit kumulang sa 39 na magsasaka na sinalanta ang kanilang pananim ng mga nakaraang bagyo ay tumanggap ng tulong pinansial na nagkakahalaga ng P237,500. Samantala, 23 magsasaka ng GAP o good agricultural practices ang tumanggap ng kagamitang pang agrikultura at apat sa mga matatanda ang tumanggap ng tag isang sako ng bigas at 10,000 piso bilang tulong. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Benguet)

Leave a Reply