Baguio: Ang hindi pagtugon ng PLDT sa kampanya patungkol sa Dangling wire campaign ang sinisisi ng kanilang customer sa pagkawala ng kanilang konneksyon sa telepono at internet

0
9
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong ang hindi pagtugon ng Philippine Long Distance Telephone company sa kampanya ng lokal na pamahalaan patungkol sa kampanya ng mga nakalaylay na kawad ang dapat na sisihin sa pag pagkawala ng conneksyon sa telepono at internet ng mahigit sa 1,000 customers kamakailan lamang. 

 

Si Mayor Benjamin Magalong ay sinisi ang PLDT sa kawalan ng pagtugon patungkol sa dangling wire campaign sa pagkawala ng konneksyon sa telepono at internet ng mga kliyente nito. Kinastigo ni Magalong ang naturang kampany sa hindi nito pagtugon sa isasagawang programa na ang pagsasaayos ng mga nakalaylay at salasalabid na kawad nagiging sanhi ng panganib sa publiko.

 

Anya dapat sisihin ang naturang kompanya sa pagkawala ng koneksyon ng daan daan nitong kliyente matapos ang operasyon patungkol sa kampanya sa mga nakalaylay na kawad sa kahabaan ng daang  Cariño at Legarda kamakailan lamang.  Sinabi ng Alkalde na bigyan ng abiso ang naturang kompanya na ang presensiya nito ay kailangan sa naturang operasyon kabilang ang Public Order Safety Division at ng iba pang aktibong telco’s na nagtatrabaho upang matapos ang trabaho sa takdang panahon.

 

Magganon man, walang pangkat sa naturang kompanya ang nagpakita na humantong sa ibang pangkat na magpatuloy sa operasyon na wala sila.  Dahil sa walang patnubay mula sa naturang kompanya, ang pangkat ay hindi sinasadyang maputol ang fiber optic cable ng  PLDT at napagkamalan na ordinaryong copper wire lamang ito naging sanhi ng pagkawala ang konneksyon sa mga kliyente nito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply