Baguio: Amnestiya para sa mga delinquenteng may-ari ng lupa at bahay na nagbabayad ng buwis, ipinanukala

0
1
photo courtesy of SP Baguio

Baguio City – Inaprubahan na ng City Council sa huli nitong regular sesyon nito noong Lunes sa unang pagbasa sa isang panukulang ordinansiya na nagbibigay ng amnestiya sa multa, surcharges, interests at arrears sa mga delinquenteng may-ari ng lupa at bahay na nagbabayad ng buwis sa lungsod ng Baguio.

Sa ilalim na panukalang ordinansiya, ang general amnesty ay ibibigay sa mga nagbabayad ng buwis sa lungsod na delinquent sa pagbabayad ng kanilang buwis sa kanilang ari arian as of May 2024.

Ang panukalang amnestiya ay kasama ang mga pag aari na kabilang sa public auction na isinasagawa ng lokal na gobierno ngunit hindi pa nabibili ng pribadong tao or entities; mga may-ari ng ari-arian na may nakabinbin na mga kaso sa korte na ang pag aari ay may problema at ang pag aari ay naibenta sa pamamagitan ng subasta o public auction na ang pag aari ay nailipat na dahil sa non-issuance of final bill of sale ng lokal na pamahalaan.

Ang ordinansiya ay nagbibigay ng itinakdang panahon para sa tax amnesty at ito ay nasa loob ng anim na buwan o 30 araw na magkakabisa mula sa paglilimbag ng panukalang batas sa isang pahayagan na may pangkahalahatang circulasyon.

Ayon sa panukalang batas, matapos ang panukulang tax amnesty, walang ng ibibigay pa ang lokal na pamahalaang na tax amnesty. Bilang karagdagan, ang lahat na multa, mga patong na singil, interests o atraso kung mayroon man ay pahihintulutan sa buwis sa ariarian kung ito ay nabayadan sa loob ng itinakdang panahon.

Ang ordinansiya ay nagbibigay sa pagbabayad ng real property tax sa ilalim ng panukalang batas ay maaring sa cash o hulugan o installment basis, na ibinibigay na ito ay dapat bayaran sa panahon ng Amnestiya kung ito ay ilalapat as of May 2024.

Samantala ang application for amnesty ay dapat isampa sa City Treasury Office sa pamamagitan ng prescribed form. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply