Baguio: Agricultural Development Livelihood Project, ibinigay na sa mga taga Abra

0
7

Bangued, Abra – Ibinigay na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resouces-Cordillera ang unang batch ng pangkabuhayang proyekto sa mga munisipyo sa Abra sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development program Phase II noong Lunes, Abril 10, 2023, bilang sa pagpapataas ng local fish production sa nasabing probinsia.

Ayon sa BFAR-CAR, ang mga munisipyo ng Bucay, Lagangilang, Manabo, Peñarrubia, at San Juan ang mga unang makakatanggap ng iba’t ibang aquaculture livelihood packages tulad ng pakain at binhi o fingerlings sa pamamagitan ng fisherfolk organization.

Maliban sa Bangued at Tubo, ang lahat ng mga munisipyo sa probinsia ay Abra ay tatanggap ng SAAD phase II kung saan ang bawat samahan ay mabibigyan ng pagkakataon na mag umpisa ng fish farming venture sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng puhunan o start-up capital.

Sinabi ni BFAR Regional Director Lilibeth Signey na inaasahan na lalaki at magiging madiskarte ang mga makikinabang na samahan, kung saan ito ang hangad ng SAAD program Phase II.

Ayon sa Philippine Statistics Authority noong (2022), ang probinsiya ng Abra, ang pangalawa sa pinakamataas na fish producer sa rehiyon Cordillera na aabot sa 700.28 MT kung saan ay sinundan ito ng probinsiya na Ifugao. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Abra)

Leave a Reply