Friday, May 3, 2024

Baguio: Abogado ni General Bantag nagsalita tungkol sa kliyente

- Advertisement -

Baguio City – Ang Abogado ni General Gerald Bantag na si Rocky Balisong ang nagsabi na hindi pa sila naghahanda ng counter affidavit hangang wala pa silang natatanggap na Subpoena.

Sinabi ni Balisong, sa isang panayam, na hindi nila sasagutin kung ang motibo ng mga opisyal na nag aakusa kay heneral Bantag ay bilang mastermind ng pagkakapatay sa batikang broadcaster na si Percy Lapid hangang walang subpoena silang natatanggap.

Sinabi ni Balisong na hindi nagtatago si Heneral Bantag at wala rin siyang planong lumabas ng bansa dahil sila ay nakahandang sagutin ang mga paratang sa kanya. Idinagdag na ng Abogado ni Bantag na handito si heneral Bantag sa Baguio para sa kaligtasan niya.

Kanyang ipinaliwanag na nais ng kanyang kliyente na mabigyang proteksyon ang sarili ni heneral Bantag lalo sa mga binangga niyang mga drug lords at iba pang malalaking tao sa loob ng New Bilibid Prison. Sinabi din ng abogado ni Heneral Bantag na wala pang natatanggap na banta sa buhay nito.

Ngunit mayroon siyang nakikitang pagdududa kung saan ito pupunta. Matatandaan na sinuspindi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Heneral Gerald Bantag bilang director ng Bureau of Corrections noong nakaraang buwan matapos ang paratang sa kanya bilang diumano ay mastermind sa pagpatay sa batikang broadcaster na si Percy Lapid. Inamin ng abogado na Heneral Bantag ay nabigla at nalungkot noong siya ang itinuro bilang mastermind sa nasabing krimen. (Joel Cervantes, Atty. Balisong file photo)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img