Baguio city – Aabot sa ₱90,801,285.48 ang nasira sa larangan ng agrikultura sa rehiyon Cordillera as of 3 pm noong Viernes, Hulyo a 28, 2023.
Ayon sa Summary of Progress Crop Damage and Losses Report ng Regional Disaster Risk Reduction Management-Operation Center ng Department of Agriculture Cordillera may pinakamalaking pagkasira ay mula sa mais na nagkakahalaga ng ₱73,170,125.00.
Ang High Value Crops na kasama dito ang upland at lowland na mga gulay, spices, legumes, prutas, root crops at cutflowers ay nagkakahalaga ng ₱5,315,334.00. Sa Livestock at Poultry ay ₱1,185,826.00. Sa Agricultural/Farm Infrastructure ay ₱11,130,000.00.
Mula sa grand total ng mga agricultural damages, ang Abra ang naunang ng nagulat ng ₱5.8 million na halaga ng nasira, Apayao-₱50,805,596.00, Benguet-₱5,107,066.00, Ifugao-₱4,935,981.00, Kalinga-₱12,630,199.00, at Mountain Province-₱208,267.00.
Ayon kay ginoong Lito Mocati, ang DA-CAR DRRM Focal Person, hinihintay pa nila ang ulat na magmumula sa iba’t ibang local government units dito sa rehion Cordillera. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes file)
