31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Baguio: 8 million piso na halaga ng tanim na marijuana natagpuan sa Tinglayan, Kalinga

- Advertisement -

Tinglayan, Kalinga – Ang Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera katuwang nito ang Kalinga Police Provincial Office at ng iba’t ibang yunit ng Philippine National Police ay nagsagawa ng paninira ng dalawang plantasyon ng marijuana na kinabibilangan ng humigit kumulang sa 40,000 piraso ng ganap na laki na tanim na marijuana nagkakahalaga ng 8 milyong piso sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga itong linggong ito.

Ang magkakasamang pangkat ng maykapangyarihan ay nagsagawa ng pagbubunot at saka sinunog ang mga ito sa lugar mismo kung saan nila natagpuan ang ipinagbabawal na halaman nakatanim sa 4,000 kuadradong lupa.

Walang nahuling manananim sa naturang operasyon. Samantala, sinabi ni PDEA-CAR regional director Julius M. Padares, patuloy silang magsasagawa ng kampanya sa pagpuksa ng marijuana habang mayroon pang nagtatanim nito. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of PDEA-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -