Baguio: 3rd Buntis Congress, isanagawa ng Benguet Provincial Health Office sa Kapangan, Benguet

0
10

Kapangan, Benguet – Nagsagawa ang Benguet Provincial Health Office (PHO) ng ikatlong Buntis Congress sa Lomon, Kapangan noong Marso a 10 ngayong taon. Ang gawain at isasabay sa pagdiririwang ng International Women’s Month sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nila sa Philippine Obstetrics Society Northwestern Luzon (POGS-NWL) at ng Kapangan sa pamamagitan ng Municipal Health Services Office.

Unang hanggad ng nasabing gawain ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga nagdadalangtao upang manatili silang maganda at malusog at maaalagaan ang kanilang pagdadalangtao.  Sa pamamagitan nito ay nagbigay ang mga ante natal services na hindi nila nakukuha dahil sa problema sa pera dahil sa malalayong pasilidad pangkalusugan.

Hangad ng nasabing gawain ang mga teenage pregnant women, ang mga buntis na may 1st trimester at ang mga matatawag na high risk pregnant mothers.

Maliban sa ibibigay na laboratory examinations ay mayroon ding pre-natal consultation at lecture tungkol sa safe motherhood, family planning at nutrition sa pagdadalangtao. (Joel Cervantes, photo courtesy of PHO-Benguet)

Leave a Reply