Abra Province – May kabuang 354 na iba’t ibang klaseng loose firearms ang ipinakita ng Abra Police Provincial Office kay Police Regional Office Cordillera Regional Director Police Brigadier General David Peredo Jr.
Kasabay ito sa ginanap na Static Display and Ceremonial Turnover of loose firearms sa Camp Colonel Juan Villamor, Bangued itong nakaraang Martes Hunyo a 27, 2023.
Ang mga nasabing baril ay isinuko sa mga iba’t ibang municipal police station sa probinsya ng Abra noong taong 2018 at 2020.
Ang lahat ng mga loose firearms ay ipinasamkamay sa Regional Civil Security Unit ng PRO-COR para sa tamang pangangalaga. Samantala, pinapapurihan ni Regional Director Peredo ang Abra Provincial Police Office dahil sa mabilis na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga batas upang mahikayat na isuko ang baril na walang dokumento o ng papeles.
Sinabi ni regional director na patuloy ang pagsuporta niya sa Abra Provincial Police Office sa kampanya laban sa loose firearms upang magtagumpay ang PNP sa giyera laban sa kriminalidad. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-COR)
