Baguio City – May kabuuang 13 Local Government Units dito sa Rehion Cordillera ang nakapasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) at nakatanggap ng financial grants mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Cordillera noong December 27, 2022.
Ayon kay DILG Cordillera Regional Director Araceli San Jose, nakatanggap ang mga 13 LGUs ng humigit kumulang na Php 67 million dahil sa pagsuporta nila sa pagpapatupad ng R.A. No. 11292, o ang Seal of Good Local Governance Act. Ito ay may layunin na magbigay ng financial assistance sa mga karapatdapat na LGUs sa pamamagitan ng Local Governance Performance Management Program ng DILG.
Sinabi ni San Jose ang nasabing subsidy ay maaring gamitin ng mga LGUs para sa mga priority projects na tumulong upang magpaghusay pa ang transparency at accountability sa lahat ng local government transactions, pagpapalakas ng disaster preparedness ng mga LGUs, pagpapaganda ng kapakanan ng mga vulnerable sectors, ang pagpapasigurado ng pagdala ng dekalidad na serbiyo sa larangan ng kalusugan at ang pagsuporta ng dekalidad na edukasyon para sa lahat, ang pagtaas ng kaayusan at kapayapaan at ang iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Ipinaliwanag na ang mga pumasa ay binubuo ng mga ket buklen 12 munisipyo at isang component city. Ang lahat ng mga ito ay pumasa sa lahat ng criteria upang matamo nila ang nasabing parangal.
Ang mga tinanghal na LGU’s ay ang Bucay, Dolores, La Paz, Peñarrubia, San Juan, at Tayum sa Abra; Conner, Apayao; Asipulo, at Lamut sa Ifugao; Pasil, at Rizal sa Kalinga, at Bontoc sa Mountain Province. Nakatanggap ito ng tag- lilimang milyong (Php 5 million) bilang cash grant.
Samantalang ang component city ng Tabuk ay tumanggap ng pitong milyong piso. Ang Seal of Good Local Governance o ang tinatawag na “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal”, ay taunang ibinibigay ng DILG sa mga karapatdapat na lungsod at munisipio na mahigpit na nagsasagawa ng sampung bilang na governance areas.
Tulad ng financial administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism, heritage development, culture and arts; at ng youth development. (Joel Cervantes, photo courtesy of DILG-CAR)
