Benguet Province – Hinikayat ni Benguet Governor Melchor Diclas ang lahat ng opisyal ng probinsiya at ang iba pang opisyal ng munisipio kasama ng mga mamamayan na dapat ituloy lang nila ang maganda pagtatrabaho nila upang matamo ang human development index ng pamahalaan.
Ang panawagan ng nasabing gobernador ay isinabay nito sa kick – off program ng Adivay Festival celebration 2022 na inilunsad noong Novembre 7, 2022 ng umaga.
Anang gobernador na noong 2013, 2016, at 2019, naging number one ang Benguet na may magandang pamumuhay ng mga mamamayan nito sa buong bansa. Ang mga parameters ng human development index ay dahil sa magandang per capita income, edukasyon at life expectancy ng mamamayan nitong probinsiya.
Binigyang diin ang parangal na sinimulan ng mga dating opisyal ng probinsiya at ng mga munisipio at ang pakikipagtulungan ng mamamayan at ng iba pang sector.
Sinabi pa ng Gobernador na maipapasailalim naman ang validation ng probinsiya ng Benguet para sa human development index ngayong taong kasalukuyan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU province of Benguet)
