36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Baguio: 12.5 million pesos pondo para sa pagtatayo ng bagong Kabayan Municipal Office napundohan ng local na gobyierno

- Advertisement -

Kabayan, Benguet – Sa isang panayam kay Kabayan Municipal Mayor Florante Bantales Jr., sila’y naglaan ng 12.5 million pesos na pondo para sa pag uumpisa ng pagtatayo ng bagong opisina nito.

Ayon sa kanya, sinang ayunan na ang nasabing pondo at inaasahan nilang maisasagawa ito sa susunod na buwan. Kanyang ipinaliwanag na magagamit ang pondo sa unang bahagi ng pondasyon ng apat na palapag na gusali ng Kabayan Municipal Office.

Kanyang ibinahagi na nasang ayunan na rin ng Sangguniang Bayan ng Kabayan ang hiling nilang 80 million pautang para sa karagdagang pondo na gagamitin sa nasabing gusali.

Sinabi niya na inaasahan niyang matatapos ang gusali sa taong 2025. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kabayan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -