Bagsak presyong shabu nagkalat din sa ibang panig ng bansa—PDEA

0
74

Aminado ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na marami pa ring tiwali sa kanilang hanay gayundin sa pambansang pulisya kaya’t nakapapasok pa rin ang iligal na droga sa bansa.

Iyan ang ginawang pag-amin sa DWIZ ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino kasunod ng nadiskubreng apat na magnetic lifters na naglalaman ng humigit kumulang 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa lalawigan ng Cavite.

Sinabi ni Aquino, ‘moro-moro’ lamang ang nangyaring pagkakasabat ng dalawang magnetic lifters sa MICP o Manila International Container Port noong Agosto dahil talagang plano itong gawing pain para sa mas malaking kontrabandong ipupuslit papasok sa bansa.

For so awhile, akala nating malaking accomplishment dahil nakakhuli tayo pero we never know na mas malaki ang napapalusot nila.. ‘moro-moro’ lamang ‘yung huli na na ‘yun diyan sa nangyari sa MICP, pero talagang ipahuhuli ‘yan.  Ganyan kasi ang modus, para paghuli mo, may palulusutin na mas malaki, eventually sa likod, may nagmamaneuver niyan.

Kasunod nito, sinabi ni Aquino na dahil sa pagkakalusot ng apat na magnetic lifters sa Cavite noong isang buwan, bagsak presyo nang naibebenta ang shabu hindi lamang sa metro manila kung hindi maging sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao gayundin sa Sulu at Zamboanga.

May bagsak presyo sa region ARMM, tanggapin natin na adulterated ang drugs diyan, talagang lahat ng klase ng pandaraya ginagawa para lang dumami. Maliban pa roon ‘yung sinasabi kong smuggling ng drugs na nangyayari galing Malaysia at Indonesia, ginagamit po itong waterways ng Sulu papasok ng Zamboanga. Kaya diyan sa Zamboanga, mura ang droga diyan.  Sa Cebu, mura din ang shabu diyan kasi diyan nagaganap ang smuggling ng drugs from Zamboanga, idadaan hanggang Cagayan de Oro then ididistribute ng Cebu.

(Sapol Ni Jarius Bondoc Interview)