Bagong Modus Operandi sa pagtitinda ng Shabu sa Lungsod ng Baguio, nadiskubre ng mga maykapangyarihan

0
8

Nakakulong ngayon ang isang lalaki matapos mahuli ng mga tauhan ng Drugs Enforcement Unit iti Police Regional Office-Cordillera sa pamamagitan ng isinagawang police operation sa San Luis Barangay Lungsod ng Baguio.

Base sa ulat ng Regional Drugs Enforcement Unit, hawak ng suspek ang authorization letter mula sa asawa nito upang kunin ang package na ipinadala sa kanya. Ang nasabing package ay nagmula umano sa Bulacan.

Sa nasabing police operation, binuksan mismo ng suspek ang package at dyan nakita nila ang humigit kumulang na 50.9 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 350,000 piso. Pinabulaanan ng suspek na mayroon siyang kaugnayan sa nasabing illegal ng aktibidad ngunit sinampahan pa rin siya ng kaso sa paglabag ng R.A. 9165 o ang Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nangako ang suspek na makikipagtulungan ito sa mga maykapangyarihan upang mahuli ang mga responsable sa ilegal na gawain.

Samantala, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Nicomedes Olarte, ang namumuno ng RDEU, ang nasabing modus operandi ay bagong paraan ng mga drug dealer upang makapagtinda sila sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

(Joel Cervantes, photo courtesy of PRO COR PIO)

Leave a Reply