Bagong mayor at vice mayor ng QC idineklara na

0
42

Pormal nang idineklara si Joy Belmonte bilang bagong alkalde ng Quezon City.

Batay sa pinakahuling resulta ng halalan kaninang alas-8 ng umaga, nakakuha na si Belmonte ng 469,298 na boto habang ang kanyang mahigpit na kalaban na si Bingbong Crisologo ay may 365,820 na boto.

Samantala, naiprokalama na ring bilang nanalong vice mayor ng Quezon City si Gian Sotto.

Si Sotto ay nakakuha ng 382,219 na boto kumpara sa 343,130 na boto ng kanyang kalaban na si Jopet Sison.