Saturday, May 4, 2024

Babae sa Iriga na umano’y dumalo sa sayawan patay na ng matagpuan

- Advertisement -

Patay na ng matagpuan ang isang babae sa Iriga City na palutang-lutang sa tulay sakop ng May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur nitong umaga ng Abril 16, 2024.

Kinilala ang biktima na si alyas “Danica”, 18 anyos, residente ng Barangay San Ramon, Iriga City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagpaalam umano ang biktima sa pamilya na makiki-wifi subalit hindi na nakauwi kinabukasan sa kanilang bahay matapos dumalo sa sayawan sa bayan ng Ocampo.

Umaga nitong Abril 16 nang matagpuan ng mga residente ang katawan ng biktima na wala nang buhay at palutang-lutang malapit sa tulay ng nasabing barangay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad at patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img