Australia tiniyak na walang special treatment kay Wikileaks founder Julian Assange

0
48

Tiniyak ngayon ng australia na hindi nila bibigyan ng special treatment ang nahuling si Wikileaks founder at Australian citizen Julian Assange.

Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison, kanilang igagalang ang proseso ng batas ukol sa kinakaharap na kaso ni Assange.

Matatandaang naaresto si Assange sa hideout nito sa Ecuador matapos ang pitong taong pagtatago.

Ito ay matapos siyang mapatunayang guilty ng British court sa paglabag sa kanyang bail conditions noong 2012 at nahaharap sa isang taong pagkakakulong.

—-