33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

ASF Pinangagambahang Lumawak Pa Sa Rinconada Area Ng Camarines Sur

- Advertisement -

Iriga City — pinangagabahan ngayon ng Department of Agriculture na kung hinde magiging maingat ang lahat, maaaring lumawak pa ang sakit na African Swine Fever sa mga bayan ng Rinconada dito sa lalawigang ng Camarines Sur.

Ayon kay, Ms. Emily Bordado, spokesperson ng DA Region V may nakarating na sa kanilang report tungkol sa pagkamatay ng ilang baboy sa bayan ng Baao, na ngayon ay sinusuri na kung ano ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Kinompirma naman ang nasabing report ni Mayor Jeff Besinio ng Baao na ang may ASF suspect na sa brgy. Agdangan at Sta Teresita at unti-unting kumakalat sa karatig na barangay.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng Municipal Agriculture office an resulta ng pagsusuri at kung makompirmang positibo sa ASF maraming baboy ang isasailalim sa de-population.

Una ng napa-ulat an report ng ASF sa bayan ng Bula, Pili, Minalabac at Nabua subalit ngayon nakarating na sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Camarines Sur. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: DA Region V)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -