Saturday, May 4, 2024

Asawa ng isang barangay kagawad sa QC nanghihingi ng donasyon kapalit ang SAP form

- Advertisement -

Inirereklamo ng mga residente ng barangay Old Balara sa Quezon City ang asawa ng kanilang kagawad dahil umano sa katiwalian.

Ito’y makaraang makuhanan ng video ang inirereklamo na si Maricris Esteban dahil sa panghihingi umano ng P500 mula sa mga nakatanggap na ng social amelioration fund sa nabanggit na barangay.

Batay sa kuhang video kay Esteban, gagamitin umano ang nasabing pera bilang donasyon para sa Old Balara Ladies Brigade.

Kapalit umano ng ipinamamahaging form sa mga residente ang nabanggit na halaga sa ladies brigade ng barangay na hindi naman kasama sa mga nabiyayaan ng ayuda.

Ayon naman kay Allan Franza, kapitan ng barangay Old Balara, hindi trabaho ng mga asawa ng kanilang mga opisyal ang mamahagi ng SAP forms dahil trabaho ito ng mismong mga kawani ng barangay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img