Baguio City – 60 iba’t ibang artworks ng mga batang may autism spectrum ang itatampok nagmula Enero a 23 hangang Pebrero 28, 2023 sa 2nd Level ng SM City Baguio.
Ayon kay Bea Garma, ang School Principal ng St. John Paul II, ang mga artworks at produkto ng mga 75 mag aaral ng nasabing paaralan mula Septiembre hangang noong Disiembre 2022.
Ipinaliwanag niya na hindi minamadali ang pagtatapos ng mga batang may autism ang kanilang artwork dahil sa ang bawat artwork ng mga ito ay may storya batay sa ugali at kaisipan ng bata.
Samantala, ang mga nasabing artwork ay maibebenta sa publiko at ang mapagbebentahan ay gagamitin din para sa pag aaral ng mga batang may autism spectrum. (Joel Cervantes, Baguio city PIO)
