Anti-squaiiing drive ng Baguio City tuloy nang maipapatupad

0
7
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Isang illegal na struktura na matatagpuan sa barangay Gibraltar giniba na noong Abril a 11 hangang 12, ng taon ito matapos dumaan sa tamang proceso ng batas sa bisa ng Demolition Order 22 s. 2023 na ipinalabas ni Mayor Benjamin Magalong.

Ang nasabing struktura ay pag aari ng isang pribadong tao nasa loob mismo ng Forbes Park Forest reservation na sertipikado ng Department of Environment and Natural Resources. Ang bahagi ng struktura ay natagpuan nasa loob ng hindi susubra ng tatlong metrong creek easment ayon sa sertipiko na ipinalabas ng City Engineering office.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay isang paglabag sa probisyon ng Art. 51 ng Presidential Decress 1067; and sec. 22(a), 105(c) and 110(c) at ng Environmental Code of Baguio (Ordinance No.18 series of 2016). Ito rin umano ay lumalabag sa ilang probisyon ng National Building (Presidential Decree 1096) na nagsasabi na ang pagtatayo na walang permiso ay illegal.

Sinabi ng Pinuno ng CBAO Investigation and Demolition division na si Engr. Donald Gas-ib, ang pagbuwag ay isinagawa sa presensiya ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) na nagbigay ng seguridad, ang Commission on Human Rights, PMA at barangay officials na roon din upang tignan ang mga pangyayari. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply