‘Anti-human trafficking’ efforts ng PH pinuri ng US-DOJ

0
64

Bumilib ang Department of Justice (DOJ) ng Estados Unidos sa mahusay na anti-human trafficking efforts ng Pilipinas.

Sa isang human trafficking forum, pinuri ng kinatawan ng Amerika ang patuloy na paglaban ng Pilipinas sa mga paglabag sa karapatang pantao partikular na sa online exploitation.

Ayon sa datos ng International Justice System, 90 biktima ng human trafficking ang nailigtas sa nakalipas na siyam na buwan, habang 36 na suspek naman ang naaresto sa mga isinagawang rescue operations.

Samantala, nakipagkita naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra ang kinatawan ng DOJ ng Amerika para sa pagrepaso ng anti-human trafficking activities ng DOJ at National Bureau of Investigation (NBI).