Año, mananatiling naka-quarantine

0
20

Mananatili pa ring naka-self quarantine si Interior and local Government Secretary Eduardo Año sa kabila ng pagiging negatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Año, bahagi ito ng protocol para matiyak na “cleared” o malinis at ligtas na siya sa virus.

Tiniyak din ni Año na magpapatuloy siya sa kanyang work from home status kahit naka-self quarantine pa rin.

Kahapon, inanunsyo ng kalihim na natanggap niya na ang resulta ng panibagong test na isinagawa sa kanya ng Research Institute for Tropical Medicine kung saan nag-negatibo na siya sa COVID-19.

Unang kinuhanan ng sample si Año noong Marso 25 matapos may makasalamuhang positibo sa COVID-19 at lumabas na infected siya noong Marso 31.