29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Anim na sunog sa kagubatan ang naitala sa Lungsod ng Baguio at Probinsiya ng Benguet noong Huwebes

- Advertisement -

Agad namang remusponde ang gobyerno at pribadong sector sa pag-apula ng sunog. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection -CAR, ang sunog ay nagsimula sa Sitio Binungaan, Tinongdan, Itogon na may tinatayang 17 hektarya ng lupa na appektado at sa Millsite Sitio Camp 6, Barangay Camp 4 sa Tuba na may 5 hektarya ang naapektuhan.

Samantala, limang sunog naman ang napabalita sa munisipyo ng Bokod ang naiulat sa Sitio Banao at Sitio Bisal, Barangay Bobok na may 200 hektarya ng apektadong lupain. Habang sa Sitio Minac at Sitio Adonot, Barangay Ambuklao na may 60 hektarya na apektadong lupain at Sitio Yapas, Barangay Bobok-Bisal na may 20 hektarya ng apektadong lupain.

Samantala, may naitala naman na sunog sa kagubatan at ito ay nasa Philippine Military Academy Area, Barangay Kias na may tinatayang humigit-kumulang sa 20 hektarya na lupain.

Isinagawa ang pag-apula sa kalupaan ng iba’t-ibang lokal DRRM Councils, Bureua of Protection Fire Stations, ang magkasanib na PNP, Phil. Army, DENR, NPC, at iba pang volunteers, habang ang Philippine Air Force ay tumulong din sa pag apula sa pamamagitan ng Bambi bucket system.

(Joel Cervantes, photo courtesy by Civil Defense Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -