35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Anim Na Mangingisda Sa Bayan Ng Mercedes, Nawawala Pa Rin

- Advertisement -

Siyam na araw matapos na pumalaot ang anim na mangingisda sa Purok 2, Brgy. 2, Mercedes, Camarines Norte ay hindi pa rin nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga ito.

Ayon sa kanilang mga kaanak, November 8, 2020 nang umalis ang mga ito upang mangisda, bago pa man manalasa ang bagyong Ulysses sa lalawigan.

Kinilala ang mga nawawala na sina Jerome Pajares, 18 anyos, binata, Joel Pajares, piloto ng bangka, Rafael Gabor, binata, Gener De Guzman, Antonio Soterio at ang isa na taga Lucena ay hindi pa maidentify ang pangalan.

Sa panayam ng Cool Radio News sa asawa ng isa sa mga mangingisda na nawawala, nagpaalam ang mga ito na papalaot sa bandang Catanduanes.

Karaniwan umanong inaabot lamang ng dalawang gabi at talong araw ang pangingisda ng mga ito at pagkatapos ay nakaka-uwi na sa kanilang mga tahanan kung kaya’t labis na ang kanilang pag-aalala.

Ayon pa rito, natagpuan ang bangka na sinasakyan ng mga ito na nakatabob sa may bahagi ng Caramoan, bagay na kinukumpirma pa sa kasalukuyan.

Panawagan ng mga kaanak na kung may makakita sa mga ito ay agad na ipagbigay alam sa kinauukulan. (Photo courtesy of Mercedes – BLGU)

(Source: Camarines Norte News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -