Thursday, May 9, 2024

Ang probinsiya ng Apayao naghahanda na sa pagpasok ng Bagyong Mawar o Typhoon Betty

- Advertisement -

Apayao Province – Nakahanda na ang lokal na gobierno ng Apayao sa inaasahang pagpasok ng bagyong Typhoon Mawar sa Philippine Area of Responsibility. Ito ay matapos na inutusan ni Gobernador Elias Bulut Jr. ang mga ahensya sa Apayao na ihanda ang mga tauhan at iba pang logistics sa tinatawag na high-vulnerable areas. Kabilang sa inihahanda ng naturang probinsya ay ang mga pagkain at ang non-food items sa Social Welfare and Development o SWAD warehouse ng probinsya.

Ipinahayag ng Provincial Social Welfare and Development Office na umaabot sa 1,500 Family Food Packs ang dumating sa SWAD satellite office mula sa National Resource Operation Center.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways first at second district offices ng probinsya na may mga tauhan at heavy equipments naka antabay sa mga stratigikong lugar na kanilang nasasakupan na maaring magamit sa panahon ng kigipitan o pagguho at ng iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Apayao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img