Ang pagtatapos ng kontrata sa Wright Park Baguio City hiniling ang pagkablacklist nito

0
10

(Baguio City) Pormal na nagsampa ng isang resolusyon sa pamamagitan ni Konsehal Benny Bomogao na humihiling pagwawalang bisa ng kontrata ng Khatib Construction na nagtatayo ng Multi-Purpose Building sa Wright Park Baguio City sa pamamagitan ng Sustainable Infrastructure Projects Allevaiting GAPS (SIPAG) dahil sa Breach of Contract o hindi pagtupad ng kontrata at mablacklist ito sa anumang proyekto ng gobierno.

Sa special session ng Sangguniang Panlungod noong umaga ng Martes Agusto a 29, 2023, ipinakita ni Bomogao ang nasabing resolusyon na kinapapalooban ng mga 17 depekto na unang nang natuklasan ng Department of Public Works and Highways – Baguio City District Engineering sa construction site.

Kanyang ipinaliwanag ang mga paglabag ng Khatib Construction tulad ng depekto ng mga gawa nito at ang pagpapakita na kulang ang kakayahan ito sa pagsasagawa ng proyekto. Sinabi ni Bomogao, hindi niya matanggap ang depekto at ang hindi ito pag ulat at patuloy ito sa pagsasawa ng konstruksiyon.

Dahil dito, anya walang ibang pagbibintangan kundi ang lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio sa sandaling may mangyaring aksidente dahil sa depektibo. Ngunit may ginawang kaukulang pagtutuwid ng naturang kontraktor sa kakulangan nito.

Itinakda ng lokal na konseho ng lungsod na isangguni nito sa Bids and Awards Committee ng lokal na gobierno ng lungsod kung anuman man ang maari nilang mairekomenda. Matatandaan ang nasabing isyu ay pinag usapan na ng konseho sa regular sessions nito noong Agusto 7 at Agusto a 14, ng taong ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to Mika Cervantes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here