31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Ang paabiso at babala ni Mayor Benjamin Magalong sa mga kontraktor ng private at government projects sa Baguio City

- Advertisement -

Baguio City – Muli naman nagbabala si Mayor Benjamin B. Magalong sa mga contractor ng gobierno man o pribadong proyekto sa lungsod na kanila naman isaalang alang ang kaligtasan ng publiko at maging ang kalinisan sa kanilang project sites.

Sa ilang biglaang inspeksyon ng naturang Mayor, nakadiskubre siya ng hindi kanaisnais ang dating, hindi maayos na lugar ng trabaho at diumano ang substandard proyekto nito.

Kahit na nagpapaalaala si Mayor Magalong sa mga kontractors na panatilihin nila ang kanilang lugar na pinagtatrabahuhan na mayos at malinis, ang lokal na gobierno ay patuloy pa rin nakakatanggap ng karaingan o reklamo mula sa publiko dahil sa kaabalahang indinudulot ng hindi organisado at maruming mga site ng proyekto.

Inatasan na ng Mayor ang City Building and Architecture Office na ikansila ang building permit ng ilan sa mga isinasagawang pagtatayo sa lungsod dahil sa maruming kapaligiran.

Sinabi ni Magalong na magsilbi na sanang babala sa mga project owners at kontractors na tignan naman nila ang kanilang project sites kung ito ba ay kaigaigaya sa mata ng madla bilang kanilang obligasyon nasasaad sa kanilang building permits.

Ang naturang mayor ay nagbigay na ng babala sa mga works contractors na handa siyang magsampa ng reklamo o magpataw ng parusa dahil sa hindi pagsunod sa safety standards na may kaugnay sa occupational safety and health standards na mahigpit na ipinatutupad ng labor and employment department.

Para sa kaligtasan ng mga construction workers, kanyang bingiyang diin na ang mga contractors ay dapat maglaan ng mga protective gears at equipment upang maiwasan ang aksidente sa lugar na kung saan ang mga ito ay nagtatrabaho. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -