31.9 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Ang Lungsod ng Baguio nagpasalamat sa DTI-CAR para sa tulong sa mapaglikhang industria o ang creative industry

- Advertisement -

Taos pusong nagpapasalamat ang opisyal ng Lungsod ng Baguio sa Department of Trade and Industry–Cordillera Administrative Region (DTI-CAR) sa pagbibigay ng pondo upang tulungan ang mga pagkukusa at mga programa ng lokal na gobyerno na may kaugnayan sa kanilang mandato.

Sinabi ng mga konsehal na ang tulong pinansyal ng DTI-CAR ay naging bahagi ng katuparan ng  layunin ng Ibagiw Creative Festival na nagbibigay ng  platforma para sa local artists, sa mga tagalikha, sa mga negosyante upang ipakita ang kanilang talento, ang pasasasamang pagsisikap at upang mag-ambag sa kultural at pang-ekonomiyang sigla ng lungsod.

Kamakailan lamang, ang lokal na konseho sa pamamagitan ng City Council Resolution No, 672, series of 2023, ay nagbigay ng pahintulot kay Mayor Magalong na kumatawan sa lokal na gobyerno ng Lungsod ng Baguio upang pumasok sa isang kasunduan sa  DTI-CAR kaugnay sa  “Lunsod Lunsad” Program ng ahensiya, particular sa Ibagiw Creative Festival na nagsimula noong nakaraang Oktubre a 25 hangang Disyembre a 20 noong nakaraang taon.

Ang Ibagiw Creative Festival ay isang taunang gawain sa lungsod ng Baguio na agrisibong nagsusulong ng lokal  na mapaglikhang indutriya  kasunod ng pagtatalaga ng Lungsod ng Baguio bilang Creative City for Crafts and Folk Arts sa pamamagitan ng UNESCO Creative Cities Network noong Oktubre a 3 ng taong 2017.

(Joel Cervanters | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -