Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Ancajas nasa L.A na upang paghandaan ang nalalapit na laban vs. Rodriguez

Dumating na sa Los Angeles, California si International Boxing Federation (IBF) super-flyweight champ na si Jerwin Ancajas upang asikasuhin ang magiging laban nito bago matapos ang taon.

Matatandaang nais ni Top Rank Promotions Chairman Bob Arum na makita ng personal si Ancajas upang malaman ang kondisyon nito bago magdesisyon kung isasabak na ito sa boxing ring.

Pero ayon naman sa trainer ni Ancajas na si Joven Mendez, nasa kondisyon na ang kanyang alaga at sa katunayan at nakapagsagawa pa ito ng 8th round sparring pagdating na pagdating palang nila ng L.A.

Magugunitang dalawang beses hindi natuloy ang title defense ni Ancajas dahil sa banta ng COVID-19 at nais naman ni Arum na isa sa tumatayong promoter nito na magkaroon ng isang magandang laban ang Pinoy Boxing Champ bago matapos ang taon.

Related posts

Dayanara Torres sumalang na sa skin cancer treatment

Powered by DWIZ

Marjorie Barreto nagsalita na sa alitan ng Barreto sisters

Powered by DWIZ

NLEX wagi kontra Columbian sa 2019 PBA Governor’s Cup

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More