31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Alyas “Bikoy” sa viral narco list video lumantad na

- Advertisement -

Lumantad na sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippine-National Center For Legal Aid o IBP-NCLA si alyas ‘Bikoy’ na nasa narcolist video na kumalat sa internet.

Sa kaniyang pagharap sa press conference sa IBP, sinabi ng nagpakilalang ‘Bikoy’ na si Peter Joemel Advincula na kaya niyang napagdesisyunang lumutang dahil sa banta sa kaniyang buhay at tawag ng konsensya.

Nilinaw din ni Advincula na hindi niya kilala ang lumantad na uploader ng video na si Rodel jJayme at wala rin umano siyang kaugnayan sa sinumang pulitiko o partido pulitikal.

Isinalaysay din ni Advincula kung papaano siyang napasok sa sindikato ng iligal na droga na kinabibilangan umano nina dating special asst. to the president Bong Go.

Aniya, nagsimula siya bilang dating empleyado ng Vita Plus na pag-aari ng first quadrant multi-level company sa Bicol ngunit noong Pebrero 2010 ay inilipat na siya ng kaniyang dating boss na si Tess Rañola sa operation center ng sindikato.

Dito ay naging taga-scan umano siya ng mga tattoo ng ilang kasapi sa sindakato tulad nina Paolo Duterte at Go.

“Bahagi po ng gawain ng aming team ay ang pag i-scan ng mga codes na naka ukit sa tattoo ng mga senior member o principal ng sindikato tulad nila Paolo Duterte at Christopher Lawrence Bong Tesorogo. Pinapadala ito sa financial controller ng sindikato na nakabase sa Hong Kong, China upang ma-validate ang mga transaksyon”.

Taong 2013 umano ay nakulong siya dahil sa kasong Estafa na isinampa ng Vita Plus at nakalaya makaraan ang 4 na taon.

Ani Advincula, nagsimula muli siya at nagkaroon ng bagong trabaho, ngunit sa isang pagtitipon sa kaniyang pinapasukang kumpaniya ay naging guest umano si Go at dito siya namukhaan.

“Naging panauhin si Bong Go. Namukhaan niya ako. Simula noon, ay ginigipit na ako ng may ari ng kompanya hanggang isang araw ay sinabihan ako ng ka trabaho ko na mabuti pang umalis na ako dahil ganganib na buhay ko”.

Dahil dito ay naging buo na umano ang kaniyang loob na isiwalat ang lahat ng kaniyang nalalaman kaugnay sa sindikatong kaniya dating kinabibilangan.

Kasabay nito, tiniyak ni alyas ‘Bikoy’ na handa siyang humarap sa Senado.

“Handa po akong humarap sa ano mang imbestigasyon ng Senado upang patotohanan ang lahat ng inilabas ko sa video serye. Hiling ko lang sa bawat mamamayang Pilipino ang inyong panalangin para sa aking kaligtasan.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -