Tanging 25 lamang ang tumanggap sa trabahong alok ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, patuloy na nananawagan ang DOH sa mga health workers na hindi makaalis ng bansa na tanggapin na ang alok na trabaho ng DOH sa ilalim ng emergency hiring program.
Sinabi ni Duque, simula kasi ng ilunsad ng DOH ang naturang programa ay nasa 25 lamang ang bilang ng aplikasyon na natanggap ng DOH.
Matatandaang noong Abril nang mag-isyu ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng governing board resolution number 09-2020 na pansamantalang nagsususpinde ng deployment ng mga health workers sa ibang bansa.
Layon nito matuganan ang pangangailangan ng bansa sa mga health workers dahil na rin sa COVID-19 pandemic na kinahaharap ng Pilipinas.
Gayunman, kamakailan lamang ng bawiin ng pamahalaan ang deployment ban sa mga health workers.