Bantay sarado na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lahat ng opisina ng PhilHealth.
Ito ay kasunod ng pangamba na posibleng sirain na ang mga ebidensiya hinggil sa kinasasangkutang anomalya ng PhilHealth.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge Dir. Eric Distor, naglabas na siya ng direktiba upang bantayan ang lahat ng regional offices ng PhilHealth partikular na ang head office nito.
Aniya mayroon kasing usap-usapan na maaring sinisira na ng PhilHealth ang mga ebidensya sa kinasasangkutan nilang korapsyon.
Una rito sinabi ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na mayroon kasing sapat na rason para pagsuspetsahan na posibleng mayroon nang nagaganap na paninira ng ebisensya.
Matatandaang una nang ipinag-utos ni PACC Commissioner Greco Belgica ang imbestigasyon matapos na masira ang regional office ng PhilHealth sa Dagupan City dahil sa umano’y tagas ng tubig sa bubong bunsod ng pag-ulan.