Alkalde ng Bato, Camarines Sur binabaan ng preventive suspension

0
108

Binabaan ng 60-days na preventive suspension order mula sa opisina ni Governor Luigi Villafuerte si Bato Mayor Junjun Zorilla Jr., base sa rekomendasyon ng Sangunuiang Panlalawigan o ang Administrative Case No. 005-2023 nitong Mayo 8, 2023.

Paliwanag ni Zorilla, nag-ugat ito sa pagpaparenta niya sa 2nd floor ng Market Building sa isang kilalang department store na wala umanong lease contract. Ayon sa Alkalde, hindi niya mabatid kung papano nasabi ng anim na miyembro ng Sanguniang Bayan na wala.

Kaagad naman nakapagsumite ng apela ang kampo ng alkalde sa Office of The President at natanggap ito kahapon Mayo 9. Sa Section 1 ng Administrative Order No. 22 s. 2011, binigyan ng 15-araw si Zorilla Jr upang mag sumite ng notice of appeal kaya ayon sa opisyal, namamatili siya sa puwesto.

(Jv Navarro Verdeflor Jr via LGU Bato Camarines Sur, photo credits to the owner)

Leave a Reply