Alaska Aces inilampaso ng San Miguel Beermen sa PBA Commissioner’s Cup

0
69

Inilampaso ng San Miguel Beer ang Alaska sa Score na 119-107 sa kanilang laro sa 2019 PBA Commissioner’s Cup Sa Cuneta Astrodome kagabi.

Naging bida si Alex Cabagnot sa panig ng Beermen makaraang umiskor ng 31 points at 6 assists.

Dahil dito, umakyat na ang rekord ng SMB sa 2 panalo laban sa 3 talo sa kasalukuyang Torneo.

Kumamada naman sina Charles Rhodes at Marcio Lassiter ng pinagsamang 46 points para sa San Miguel.