20 bahay nasunog sa Paranaque City

0
52

Tinupok ng apoy ang 20 bahay sa naganap na sunog sa Sitio Gulayan, Brgy. Moonwalk, Paranaque City.

Ayon kay Fire Sr. Insp, Alexander Dale Baena, Chief Operations ng Parañaque Fire Station, nasa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Idineklara naman itong fire out makalipas ang halos 2 oras.

Samantala, 2 residente ang kinailangang lapatan ng paunang lunas matapos masugatan at mahirapang huminga.

Aabot sa 150,000 pesos ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy habang inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.