31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Airline companies sa PH naglatag ng ng hakbang vs. nCoV

- Advertisement -

Naglatag ng mga hakbang ang airline companies upang makatulong sa kampanya na hindi makapasok sa bansa ang novel coronavirus (nCoV).

Sa panig ng Philippine Airlines (PAL), sinabi ni Cielo Villaluna, spokesperson ng PAL, na sa mga airport pa lamang ng China kung saan sila may biyahe ay nagsasagawa na sila ng profiling kung may mga sintomas ng flu ang pasahero.

Tuluy-tuloy rin anya ang pakikipag-ugnayan nila sa Bureau of Quarantine para naman sa thermal scanning ng mga pasahero paglapag nila sa Pilipinas.

Sinabi ni Villaluna na mayroon ding option ang mga pasahero na iparebook sa ibang petsa ang kanilang biyahe o i-refund ang kanilang ticket.

Makakasiguro po ang ating mga pasahero na mamomonitor po sa mga airport ang mga papasok na pasahero via thermal scanning. Sa mga pasahero ng PAL, maaaring magrebook o magrefund ng libre sakaling lilipad papunta o galing China mula January 24-February 2029,” ani Villaluna.

Sa panig ng Cebu Pacific, sinabi ni Charo Logarta Lagamon, na mas pinatindi nila ang pag-disinfect sa kanilang mga eroplano at namigay ng face masks sa kanilang mga empleyado.

Samantala, katulad ng sa PAL, puwede ring magrebook o magrefund ang mga pasahero sa loob ng 30 araw o kaya ay pwede nilang ilagay ang halaga ng kanilang ticket sa isang travel fund na magagamit sa hinaharap.

We are disinfecting our planes regularly. ‘Yung mga crews and staff din ay pinapayagan na magsuot ng face mask… Ang Cebu Pac din ay mag-o-offer ng rebooking at refund ng free of charge,” ani Lagamon. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -