Sunday, May 5, 2024

14 PUIs sa nCoV —DOH

- Advertisement -

Kinukumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) kung positibo sa novel coronavirus (nCoV) ang anim katao dito sa Pilipinas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ipadadala nila sa Australia ang anim na specimen para sa kumpirmasyon.

Samantala, nasa 14 na ngayon ang persons under investigation (PUI) mula sa dating 11, kahapon.

Sa kabila nito, kumbinsido si Duque na kayang lampasan ng Pilipinas ang hamon ng nCoV tulad ng matagumpay na paglaban noon sa SARS at maging sa MERS-CoV.

Samantala, nakatakdang pag-usapan sa pulong ng Inter-Agency Task Force ang panukalang ipagbawal muna ang pagpasok ng mga magmumula sa China.

Sinabi ni Duque na tatalakayin rin nila ang kahilingan ng mga Pilipinong nasa China, lalo na sa Wuhan City, na makauwi ng bansa.

Ayon kay Duque, ang kanilang magiging desisyon sa isyu ay nakadepende lagi sa ipapayo sa kanila ng World Health Organization (WHO).  —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img