Agarang Solusyon Tugon Ni Mayor Madel Sa Problema Sa Brgy. Santiago

0
368

Iriga City – Agarang solusyon ang iniutos ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor sa mga kawani ng LGU Iriga upang masolusyunan ang problema ng pagdami ng langaw sa Barangay Santiago na ang itinuturong sanhi ay ang poultry sa lugar.

Pinangunahan ni City Health Officer Dr. Ronald Pereña at Mr. Bogeem Layosa, Head ng General Services Office ang fumigation sa mga apektadong lugar sa nasabing barangay ngayong araw, Hulyo 21, 2021.

Nahati sa tatlong (3) grupo ang fumigation team na kinabibilangan ng myembro ng City Sanitation Team ng City Health Office, General Services Office Personnel, grupo ng may-ari ng poultry, barangay council at isang pribadong kumpanya upang masiguro na matatapos na ang pagkalat ng mga insekto sa lugar.

Pansamantala lamang na nahito ang operasyon dahil sa buhos ng ulan at nangako naman si Mr. Layosa na itutuloy ito bukas sa oras na gumanda na ang panahon.

Nagkaroon din ng dayalogo ang LGU Iriga at may-ari ng poultry upang matulangan ng pamahalaan ang poultry farm upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente.

(Source: LGU Iriga City, photo courtesy of Iriga City Official Facebook page)

Leave a Reply