AFP nagpadala ng mga tauhan para makatulong sa imbestigasyon ng massacre sa Negros Occidental  

0
48

Nagpadala na ng mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang tubuhan sa Sagay City sa Negros Occidental kaugnay sa pagpaslang sa siyam na magsasaka ruon.

Ito ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ay para makatulong sa PNP sa imbestigasyon ng naturang insidente.

Kasabay nito ay ipinaabot ni Galvez ang pakikiramay sa pamilya ng mga pinaslang na magsasaka ng tubo.

“Para at least maka-assist sa PNP duon sa pagkamatay nung 9 na manggagawa at ako po ay talagang nakikiramay at hanada pong tumulong sa mga pamilya. Nag usap na po kami ng chief ng PNP and then we are now going…investigation. Sa ngayon inaantay na namin ang investigation ng SOCO.” Pahayag ni Galvez

(Interview from Balitang Todong Lakas)