Isang senador may hamon sa administrasyong Duterte

0
50

Hinamon ni Senador Kiko Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing target ng pag-aresto ang mga big time drug lords at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan upang makapuslit ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ang naging reaksyon ni Sen. Pangilinan sa harap ng alegasyon ni Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang na walang ginawang aksyon si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa natanggap na intelligence report kaya’t naipuslit pa rin sa bansa ang malaking halaga ng shabu.

Dagdag pa ni Pangilinan, kung seryoso ang administrasyon ito sa giyera kontra ilegal na droga ay dapat hindi lang small time drug users ang pinapanagot nito sa batas.

(Ashley Jose)