Tuesday, May 7, 2024

AFP makikipagtulungan sa Facebook vs. online terrorist propaganda

- Advertisement -

Makikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook para labanan ang pagsasamantala ng mga terorista sa internet at maging kampanya laban sa insurgency.

Tiniyak ito ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay matapos makipagpulong online kay Clare Amador, head of public policy ng Facebook sa Pilipinas.

Ayon kay Gapay, natutuwa ang AFP sa ginagawang self-regulation ng grupo para mapigilan ang pagkalat ng terrorist propaganda kabilang ang mga larawan at video ng karahasan.

Mayroon aniyang mga dokumentadong kaso kung saan nagagamit ng mga terorista ang social media sa kanilang recruitment activities.

Sinabi ni Gapay na nais ng AFP na magkaroon ng aktibong partnership sa social media sites para mapigilan ang paglaganap ng violent extremism na hindi nalalabag ang kalayaan at karapatan ng social media users.

Siniguro rin ng AFP at maging ng PNP na paiigtingin nila ang kanilang kampanya laban sa npa at mga terorista sa pamamagitan ng pag monitor sa Facebook at iba pang social media platform kaugnay sa recruitment na ginagawa ng mga naturang teroristang grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img