Saturday, May 4, 2024

AFP magpapakalat ng mga tauhan sa SONA ni Pangulong Duterte bukas

- Advertisement -

Magpapakalat rin ng mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa mismong araw ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa Public Information Office of the Joint Task Force-NCR, layun nitong mabigyan ng suporta ang pambansang pulisya upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang ika-apat na SONA ni Pangulong Duterte bukas.

Magmumula umano sa ibat-ibang major services ng AFP ang tropa na ipakakalat nila sa loob at labas ng Batasan Complex.

Kabilang sa mga tututukan ng Joint Task Force-NCR ang pagbibigay-ayuda sa Presidential Security Group, National Capital Region Police Office o NCRPO at iba pang law enforcement agencies.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img