Wednesday, May 8, 2024

Aabot S 6,000 Medical Health Workers Ng Albay, Nabakunahan Na Ssa Unang Rollout Ng COVID-19 Vaccination; Mga Dagdag Na Bakuna Inaasahang Darating Ngayong Linggo

- Advertisement -

Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office na aabot sa 5,802 na mga medical health workers ang nabakunahan na sa lalawigan ng Albay sa unang rollout ng COVID-19 vaccination.

Ayon kay Dra. Estela Zenit, Albay Provincial Health Officer, noong nakaraang Marso 31 natapos ang pagbabakuna kung saan inabot nito ang 96% na target na mabakunahang frontliners.

Aniya, inaantay nila ang posibleng pagdating ng mga bakuna ngayong linggo para maisagawa na rin ang 2nd rollout ng pagbabakuna.

Samantala, nanawagan rin si Zenit sa mga nabakunahan na, na mag-iingat parin dahil maaari pa rin silang tamaan ng sakit. Kinakailangan umano na sumunod pa rin sa mga minimum health protocols kontra COVID-19.

(Source: LGU Albay)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img