96 miyembro ng NPA na nagbalik loob nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno

0
43

Tumanggap ng ayuda ang siyamnapu’t anim na miyembro ng NPA o New People’s Army na nagbalik-loob sa gobyerno.

Sa ilalim ng programang “Balik Loob Enhanced Comprehensive Local Integration”, nakatanggap ang mga rebelde ng 15,000 immediate assistance at fire arms remunation, kung saan binigyan rin ang mga ito ng pera batay sa halaga ng mga armas na isinuko nila sa pamahalaan.

Bukod dito, pagkakalooban din ang mga ‘rebel returnees’ ng buwanang tulong sa ilalim ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.