92 police trainees sa Baguio City nagpositibo sa COVID-19

0
62

Nagpositibo sa Corona Virus Disease (COVID-19) ang nasa 92 mga police trainees mula sa Baguio City.

Ito mismo ang kinumpirma ni Col. Allen Rae Co, hepe ng Baguio City police, 6 na buwan nang namamalagi sa Baguio ang mga nasabing police trainees para aniya sa On-the-Job Training ng mga ito.

Sinabi ni Co, malaki ang posibilidad na nahawaan ng COVID-19 ang mga nasabing police trainees habang nakatalaga ang mga ito sa mga lugar kung saan mayroong aktibong kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, isinailalim na sa quarantine ang nasa 200 pang mga police trainees matapos na mabatid na direkta itong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.