9 Patay Sa Banggaan Ng Van At Bus

9 Patay Sa Banggaan Ng Van At Bus

by RPN
0 comment 28 views

Nasa siyam katao ang patay matapos ang salpukan ng bus at UV Express van sa Pamplona, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, galing sa Daet, Camarines Sur ang van na may plakang EVU 222 at patungong Naga habang patungong Manila naman ang bus na may plakang EVP 129 ng maganap ang insidente pasado alas-8 ng gabi ng Miyerkules sa Brgy. San Vicente.

Nasawi ang siyam na lulan ng van na kinabibilangan ng tatlong lalaki at limang babae at driver nito na si Armani Calpe ng Daet, Camarines Sur habang apat ang sugatan na dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Sumuko naman ang bus driver na si Leonardo Camu sa Libamanan, Camarines Sur.

Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang nasabing insidente.

Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

0 comment

Related Posts